PAPA JACK'S MARRIAGE PROPOSAL

CONGRATULATIONS papajack and his mahal:)

PAPA JACK'S MARRIAGE PROPOSAL

Feb 14, valentine’s day, nagtatampo si Toni Rose (mahal) kay Papa Jack kasi ni wala man daw binigay na flowers si PapaJack. Hindi sumama si Toni sa work ni PaJack kasi nga nagtatampo siya. Nagstatus pa nga daw siya sa fb niya ng, “some call it valentine’s day, i call it tuesday.”

Then after ng work ni Papa Jack, so lumabas sila ni Toni ng madaling araw at nagpunta ng buendia para kumain ng papaitan then si Toni dinaan na lang daw sa kain ang tampo niya. hahaha. After that dinala siya ni PapaJack sa parking lot ng star city, “anong gagawin natin dito?”, tanong ni Toni, “mag-aabang tayo ng tren”, sagot ni Papa Jack. Ang maganda daw dito naniwala si Toni na may dadaanan ngang tren to think wala naman riles dun. hahahaha.

Ang hindi alam ni Toni, marami ng naghihintay sa kanila dun, ininvite ni Papa Jack ang mga close friends niya at ni Toni . So pagbaba bigla parang mayarojector. sabi nga ni Papa Jack, halos lahat daw ng cheesy lines narinig na niya sa program niya, kaya parang wala ng natira sa kanya. So ang ginawa niya nanghiram siya ng lines sa movies. naks!

May nakalagay na, “i may not understand your stupidity, but i promise to love you forever. will you………”, napasigaw daw si toni, e ang kasunod pala nun “……”look into my eyes?”. then lumuhod so Papa Jack at pinakita ang ring sabay sabing, “will you marry me?”. Kinabahan daw si Papa Jack kasi ang tagal sumagot ni Toni. May gap ng 15seconds which is sabi nga ni Papa Jack parang eternity sa kanya. Nagbiro si Papa Jack, “magyes ka muna saka mo na bawiin, nakakahiya andami kong inivite”. hahahahah! pero nashock lang talaga si Toni, “anong sasabihin ko?”, tanong niya, “sana yes.”, sabi ni Papa Jack at isang tumataginting na “YES” nga ang sagot niya.

Grabe nakakakilig last night was the first time na nagkwento ng ganun kadetailed si Papa Jack, pero sabi nga niya naging part daw ang mga listeners niya sa lovestory nila at gusto daw niyang ishare kung gaano siya kasaya.

kinilig nga ako sa sinabi ni Papa Jack na, “ngayon lang ako nakatagpo ng taong nakapagpasaya, nakapagpagalit, nakapagpaiyak, nakapagpapabaliw sakin at nakapagpasakit ng aking tiyan, kaya sa tingin ko siya na."

Reaksyon

9 comments:

  1. lubb this article ! two thumbs up :)

    ReplyDelete
  2. thanks for leaving a comment
    :-)

    ReplyDelete
  3. sya ba ang nasa blind item? http://www.fashionpulis.com/2012/03/confession-that-will-never-be-heard.html

    ReplyDelete
  4. sweet talaga ni papa jack

    ReplyDelete
  5. very different from what I listen to in the radio but that's waht we call a love story written personally by God.

    ReplyDelete