The Generics Pharmacy

Guys try nyo maghanap ng Vics, Centrum, Biogesic at neozep sa The generics pharmacy! Pansinin nyo ang gagawin ng pharmacist!?!?!

Ito experience namin ng friend ko: Nagtanong ako ng Centrum, at biglang inabutan ako ng box para makita ko ang concentration ng contents para maicompare sa bcomplex capsule. tiningnan ko lang ang label, pero indi ko pinansin kung centrum ba talaga ang inabot nya! i noticed parang blue ang box nya, just plain blue! di ko na inusisa kung centrum ba un o ano, binasa ko ang label at sabi ko ay mahina pala ang concentration ng bcomplex dito,naisip ko comparing the bcomplex caps and sa label na nakita ko sa box.. ill rather buy the bcomplex capsule kasi mas mataas ang concentration ng capsule!...

Then i told my friend na galing ako sa generics, sabi nya bumili rin xia ng Vics at Neozep sa generics, ang sabi daw ng pharmacist sa kanya, "meron po kaming generic na neozep" at binigyan din daw sya ng "Vics"... pero ng makita nya ang products,... hindi naman Neozep, hindi naman "Vics".... pero dahil kapareho rin ay hindi na sya lumipat sa ktapat na mercury.

Ang sakin lang... Medyo mapanlinlang ang pagbebenta nila! Dahil, Dahil hindi lahat ng tao ay alam ang "Generic" at mamahaling "branded" na gamot at supplement, kahit hanapin ng customer ang spisipikong brand ng gamot at supplement sa the generics pharmacy, binibigyan nila agad ang customer ng katumbas na brand na meron sila sa pharmacy na hindi nila ipinapaliwanag na "mam, wala po kaming vics, meron po kaming brand X na kapareho ng inyong hinahanap na Vics Vapor Rub" "sir, wala po kaming "Centrum" meron po kaming katumbas na brand "X" na meron rin pong lahat ng content ng centrum"

Ang system nila parang sa tindahan ng cellphone, na ganto ang sample: customer: meron ba kayong experss music, nokia? tendero: oo, ito o! Customer: A,.. eh china phone ito ah! tendero: oo china lahat ang nokia namin, wla kaming original!

Diba kung hindi mo alam ang gamot, basta ka nalang bibili dahil nireseta ng doctor. Pero kung alam mo na hindi yun ang brand na gusto mo, kahit mura ang tinda sa generics, hindi mo parin bibilhin ang paninda nila dahil hindi naman yon ang hinahanap mo sa tindahan nila diba!?!

Reaksyon

0 kumento:

Post a Comment